NAPC Chairperson Liza Maza pinasusuko na ng Malakanyang

Pinayuhan ng Malakanyang si National Anti-Poverty Commission Chairperson Liza Maza na sumuko na sa mga otoridad.

Pahayag ito ng Malakanyang matapos magpalabas ng warrant of arrest si Palayan City Regional Trial Court Branch 40 Judge Evelyn Atienza Turla laban kay Maza at tatlo pang dating mambabatas mula Makabayan Bloc.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bilang miyembro ng gabinete ay dapat na tumalima si Maza sa mga itinatakda ng batas.

Sinabi pa ni Roque na kung inosente si Maza dapat na sumuko na lamang ito at patunayan sa korte na inosente siya sa krimen.

Sa ngayon, sinabi ni Roque na hindi pa naman sinisibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Maza.

Gayunman, hindi aniya maaring lumiban si Maza sa kanyang trabaho lalo’t kritikal ang kanyang hinahawakang tanggapan na tugunan ang kahirapan sa bansa.

Hindi aniya maaring magkaroon ang NAPC ng isang lider na fugitive o nagtatago sa batas.

Sa pagkakaalam ni Roque simula nang maging parte siya gabinete ni Duterte noong nakaraang taon, hindi pa niya nakikita si Maza na dumalo sa mga cabinet meeting sa Malakanyang.

Naninidgan din si Roque na walang kinalaman ang palasyo sa inilabas na warrant of arrest ng korte laban sa apat.

Read more...