Electronic Tax Filing System, pansamantalang suspindido sa ilang lugar

 

Pansamantalang sinuspinde ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang electronic tax return filing system o ETFS sa mga siyudad at bayan sa Luzon na nasalanta ng Bagyong Lando.

Paliwanag ng BIR, may ilang mga lugar pa kasi ang wala pa ring internet connectivity, kaya suspendido muna ang eFPS.

Gayunman, pinayuhan ng BIR na ang mga taxpayer na naka-enroll sa eFPS ay kailangang mano-manong maghain upang makaabot sa deadline.

Ang mga taxpayer na ito ay kailangan ding ire-file ang kani-kanilang returns sa eFPS sa oras na manumbalik na ang internet connection sa kanilang mga lugar.

Nakasaad sa Revenue Memorandum Order no. 67-2015, ang eFPS taxpayers ay marapat na sumunod upang maiwasan na mapatawan ng penalties at sanctions.

Read more...