Pangamba sa patuloy na pagtaas ng inflation, pinawi ng BSP
Pinawi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Nestor Espenilla ang pangamba ng sambayanan kaugnay sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa.
Sa budget hearing ng House Appropriation Committee, sinabi ni Espenilla, na pagsapit ng taong 2019 pa bababa ang inflation.
Gayunman, sinabi nito na tataas pa ang inflation rate hanggang sa mga huling buwan ng 2018.
Babalik aniya sa forecast na 2% hanggang 4% ang inflation rate dahil na rin sa ilang mga adjustments na nagiging dahilan ng pagtaas ng inflation.
Itinuro ni Espenilla na dahilan ng mataas na inflation ang mataas na presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, mataas na excise taxes, at weather related factors.
Sinabi nito na handa naman ang BSP na magpatupad ng mga hakbang upang suportahan ang pagpapatatad ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Bumaba na naman aniya ang halaga bg piso ng 6.18% kumpara sa halaga ng dolyar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.