Isasailalim na sa inquest proceedings ang limang miyembro ng Upsilon Sigma Phi na nambugbog ng miyembro ng kalaban nilang grupo na Alpha Sigma Fraternity.
Naganap ang insidente ng pambubugbog sa UP Diliman Campus Huwebes ng hapon.
Reklamong frustrated murder, malicious mischief at physical injuries ang isasampa sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa mga suspek na nakilalang sina Sean Rodriguez, Cheran Cabrito, Elias Miles Villanueva, Rannie Mercado, at Rudolf Neral habang pinaghahanap naman ang lima pang kasama ng mga ito.
Naaresto ang lima sa hot pursuit operation ng mga tauhan ng UP Police sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.
Huwebes nang maganap ang pambubugbog ng mga suspek sa isa sa mga biktima na habang naglalakad sa UP Diliman Campus ay pinagtulong-tulongan.
Ginagamit ito ngayon sa UERM Hospital, habang nagtamo naman ng mga sugat sa katawan ang dalawang sakay ng isang sasakyan na binasagan ng salamin ng mga suspek.
Nasabat naman sa mga suspek ang ginamit na sasakyan, baseball bat, bonnet, mga tubo at mga bala ng baril./ Erwin Aguilon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.