(UPDATE) Labingisa ang patay kabilang ang isang bata makaraang pasabugin ng isang suicide bomber ang isang sasakyan sa Lamitan City sa Basilan.
Sa ulat na nakalap ng Inquirer Mindanao mula kay Lamitan Vice Mayor Roderick Furigay kumpirmadong 11 na ang nasawi sa insidente.
Kabilang sa nasawi ang 3 mga babae, 5 CAFGU, 1 bata at 1 sundalo, gayundin ang hinihinalang bomber.
Batay sa inisyal na ulat, sumabog ang isang van sa checkpoint ng mga sundalo bahagi ng Sitio Magwakit, Barangay Bulanting, Martes (July 31) ng umaga.
Pinara pa umano ang van sa naturang checkpoint at kinausap ng mga otoridad ang driver nito at habang ginagawa ang inspeksyon ay bigla na lamang sumabog ang sasakyan.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at sa kung ano ang grupo ang posibleng nasa likod nito.