1 patay, 3 sugatan na pawang pulis na miyembro ng KFR Group sa Taguig

NCRPO Photo

1 ang patay at arestado ang 3 iba pa sa engkwentro ng mga pulis laban sa mga hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom group.

Ayon sa impormasyon mula sa Southern Police District (SPD), pawang mga aktibong pulis ang mga suspek na nasukol sa bahagi ng Barangay Western Bicutan.

Nangyari ang engkwentro sa bahagi ng FTI construction area.

Base sa inisyal na impormasyon, pinagnakawan ng apat na pulis ang isang babaeng biktima at mayroon din silang dinukot na mag-asawa, Lunes ng gabo.

Tinangka ng apat na suspek na hingan ng P200,000 ang mag-asawa.

Nagawa namang makapagsumbong ng kaanak ng mga biktima sa mga pulis na agad nagkasa ng entrapment operation sa mga suspek.

Nabatid na ang apat na suspek ay pawang tauhan ng Taguig City police.

Read more...