Pang. Duterte sa LP: Isantabi muna ang pulitika

By Chona Yu July 31, 2018 - 07:39 AM

Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng Libereal Party (LP) na isantabi na muna ang pulitika.

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos sirain ang ilang mamahaling smuggled na sasakyan na nagkakahalaga ng tatlong daang milyong piso sa Port Irene sa Santa Ana, Cagayan.

Ayon sa pangulo, ang Liberal Party na kilalang mga dilawan ay yelo o ice sa bisaya.

Sinabi pa ng pangulo na matagal nang lusaw ang ‘yelo’ o ‘yellow’.

Matatandaang nitong weekend lamang, sunod-sunod ang pagbatikos ni dating LP chairman at dating pangulong Benigno Aquino III sa Pangulong Duterte.

Kabilang sa mga pinuna ni Aquino ang pahayag ni Pangulong Duterte na mas mahalaga sa kaniya ang buhay ng tao kaysa sa karapatang pantao.

Sinisi rin ni Aquino si Duterte sa pagkakabalik sa kapangyarihan ni dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

TAGS: liberal party, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, liberal party, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.