11 kabilang ang tauhan ng Phil. Navy arestado sa buy-bust operation sa Pasay

Inquirer file photo

Arestado ang 11 katao kasama ang isang tauhan umano ng Philippine Navy sa ikinasang magkakasunod na buy-bust operation sa Pasay City.

Aabot sa 12 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000 ang nasabat sa mga operasyon.

Ayon kay Supt. Gene Licud, assistant chief of police for operations ng Pasay City police, nag-ugat ang kanilang operasyon nang mahuli ang isang suspek na tangkang nagpapasok ng shabu sa loob ng detention facility ng Pasay City police station.

Agad dinakip ang suspek na isinailalim sa interogasyon at doon na niya itinuro ang iba pang mga sangkot sa operasyon.

Agad Nagkasa ng follow up operation ang pulisya na nagnresulta sa pagkakadakip sa iba pang mga suspek kasama na ang isang sundalo.

Read more...