2 patay sa buy bust na nauwi sa engkwentro sa San Pedro, Laguna

By Rod Lagusad July 31, 2018 - 06:46 AM

Police banner

Patay ang dalawang suspek matapos mauwi sa palitan ng putok ang ikinasang buy bust operation sa Landayan Access Road, Brgy. Landayan, San Pedro City, Laguna bandang alas onse kagabi .

Kinilala ang mga suspek na sina Ranier Alcantara o kilala rin sa tawag na ‘Jabar’ at Jhemar Ballenas o “Bob”.

Parehong una ng nakalaya ang dalawa ngayong taon sa Calamba City Jail Laguna dahil sa paglabag sa Sec. 11 at 26 ng RA 9165.

Pinangunahan ni PSupt. Ariza ang RDEU kasama ang pwersa ng San Pedro City Police Station na pinangungunahan naman ni PSupt. Martinez ang nasabing operasyon.

Matapos maramdaman ng mga suspek ang presensya ng mga operatiba sa lugar ang mga suspek ay nauwi na sa palitan ng putok ang operasyon.

Narekober mula sa mga ito ang nasa 16 na heat sealed transparent plastic sachet na hinihanalang shabu na may street value na aabot sa P50,000, isang caliber .38 revolver, isang hand grenade at ang P1,000 peso bill na ginamit bilang mark money.

Nakipag-ugnayan na ang RDEU sa San Pedro Police CPS para sa koordinasyon sa SOCO.

TAGS: laguna, Radyo Inquirer, San Pedro, laguna, Radyo Inquirer, San Pedro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.