LPA sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA
Isang Low Pressure Area na nasa labas pa ng bansa ang binabantayan ng PAGASA.
Sa ngayon ayon sa PAGASA, Habagat pa rin ang nakaaapekto sa western sections ng Luzon at Visayas.
Dahil dito, ang Western Visayas at Northern Palawan ay makarararanas ng pag-ulan na dulot ng Habagat ngayong araw na maaring magdulot ng flashfloods at landslides.
Localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.
Samantala, ang naranasang maagang pag-ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga lalawigan ng Batangas, Rizal at Cavite ay bunsod ng thunderstorm.
Alas 3:04 ng madaling araw nang itaas ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa nabanggit na mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.