2 carnapper, nasawi sa engkwentro sa Bulacan

By Justinne Punsalang July 31, 2018 - 04:56 AM

Wala pang pagkakakilanlan ang dalawang lalaki na nasawi matapos magkasa ng followup operation ang mga otoridad sa Barangay Partida, Norzagaray, Bulacan.

Ayon sa Bulacan Provincial Police, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang Jose Santos tungkol sa dalawang kawatan na tumangay umano sa kanyang motorsiklo.

Kwento ni Santos, tinutukan siya ng baril ng dalawang lalaki at pwesahang kinuha ang kanyang motor.

Sa pag-iimbestiga ng mga otoridad ay nakatanggap sila ng impormasyon na nasa Barangay Partida ang mga suspek upang ibenta ang motorsiklo.

Kaya naman agad na nagtungo sa lugar ang mga ito para sa isang followup operation.

Ngunit nang makita ng mga salarin ang mga otoridad ay agad silang nagpaputok, dahilan upang mauwi sa engwentro ang operasyon.

Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga carnapper na nagresulta sa kanilang agarang pagkamatay.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang motor ng biktima at dalawang kalibre 38 revolver.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.