Pasimuno sa jailbreak sa Bacoor, arestado na

By Justinne Punsalang July 31, 2018 - 04:54 AM

Cavite Provincial Police

Natunton at naaresto na ng mga otoridad ang inmate na utak sa pagtakas ng 23 preso sa Bacoor City Custodial Center kamakailan.

Nakilala ang inmate na si Jene Lloyd Bernabe, na isa umano sa mga nagplano ng jailbreak.

Ayon hepe ng Bacoor City Police na si Senior Superintendent Vicente Cabatingan, naaresto si Bernabe kagabi sa Baclaran Church sa Parañaque City.

Nabatid na nakipagkita muna si Barnabe sa kanyang kasintahan bago ito dapat pumunta sa isang probinsya sa Northern Luzon upang magtago.

Napag-alamang mayroong kasong foricble abduction with rape si Bernabe.

Sa ngayon ay mayroon pang walong mga preso na patuloy na tinutugis ng mga otoridad.

TAGS: Bacoor, cavite, Bacoor, cavite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.