Sa isang pahayag ng grupong Leonardo Panaligan Command (LPC) ay sinabi ng tagapagsalita nito na ang pamamaslang kay de Gracia ay kanilag paraan upang isailalim ito sa death penalty.
Ito umano ay dahil sa napatunayan ng People’s Revolutionary Court na guilty ang reitradong sundalo sa ilang mga krimen.
Kabilang dito ang pag-aakusa umano ni de Gracia sa ilang mga sibilyan sa Barangay Calamba, Basak, at Bolado sa Guihulngan na sila ay mga miyembro ng komunistang grupo.
Sangkot din umano ang retiradong sundalo sa kalakaran ng iligal na droga. Pinakahuli umanong ginawa ni de Gracia ang pagpupuslit ng droga sa Guihulngan dahil ito ay manager ng Bolado Port.
Katunayan, ayon sa LPC, kakompitensya ni de Gracia ang bagong halal na barangay chairman ng Humay-Humay na si Mike Jakosalem.
Ayon pa sa grupo, bagaman matagal nang nagretiro si de Gracia ay nagpapatuloy naman ito sa pagiging intelligence asset ng Philippine Army.
Ngunit pinabulaanan naman ni Guihulngan City Police chief Superintendent Mario Baquiran ang mga alegasyon.
Aniya, walang katotohanan ang sinabi ng NPA, partikular ang pagkakasangkot ni de Gracia sa iligal na droga dahil hindi naman ito kabilang sa kanilang listahan ng mga drug suspek.
Aniya pa, wala ring karapatan ang grupo na magpatay ng parusang kamatayan dahil hindi naman sila lehitimong gobyerno.
Dagdag pa ng opisyal, sakaling mayroon ngang mga pagkakasala si de Gracia ay dapat itong dumaan sa due process.