Dating Pangulong Aquino, dapat din na sisihin sa culture of impunity sa bansa – Malakanyang
Binuweltahan ng Palasyo ng Malakanyang si Dating Pangulong Benigno Aquino III dahil sa pagbatikos ng huli sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation of Address na mas mahalaga sa kanya ang buhay ng tao kaysa sa karapatang pantao.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat na sisihin din si Aquino sa culture of impunity sa bansa.
Sinabi pa ni Roque na bilang dating pangulo ng bansa, dapat na pinag-igihan o pinagsumikapan pa ni Aquino na pangalagaan ang buhay ng tao.
Binigyang diin pa ni Roque na noong panahon ni Aquino, nagbabala na ang United Nations na nasa balag na ng alanganin ang Pilipinas na gawin ang obligasyon na pangalagaan ang right to life ng mga Pilipino lalo na sa sunud-sunod na kaso ng pagpatay sa mga mamahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.