Duterte sa NPA: Para kayong mga robot

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng New People’s Army na patuloy na nagpapaloko sa idelohiya ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison.

Ayon sa pangulo, bangkarote na ang pag-iisip ni Sison.

Binatikos pa ng pangulo ang mga miyembro ng NPA na parang mga robot na sunud-sunuruan lamang kay Sison.

Sinabi pa ng pangulo na hindi pag-revolutionize ang layunin ng pagrerebolusyon kundi ang evolution para magkaroon ng maayos na pamumuhay.

Kasabay nito, hinimok ng pangulo ang mga rebelde na magbalik loob na sa pamahalaan para makapamuhay ng normal.

Read more...