Faeldon at Lapeña, hindi corrupt ayon kay Pangulong Duterte
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi corrupt sina Bureau of Customs (BoC) Chief Isidro Lapeña at Office of Civil Defense Deputy Administrator Nicanor Faeldon.
Ayon sa pangulo, huwag paniwalaan na isang corrupt si Lapeña.
Aniya si Lapeña ang kanyang pinakamatagal na Chief of Police in Davao City.
Matibay pa rin ang tiwala ng pangulo kay Faeldon dahil sa pagkahuli sa tax fraud ng tobacco firm na Mighty Corp. na kung saan aabot sa 40 billion pesos ang nakuha dito bilang kabayaran.
Binigyang diin ng pangulo na tanging si Faeldon lang ang nagkapagbigay ng impormasyon kaugnay ng tax fraud.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.