Pagkakaroon ng pagtatalo kay Ross, bahagi lang ng laro ayon kay Devance

By Rod Lagusad July 31, 2018 - 04:31 AM

Iginiit ni Joe Devance ng Barangay Ginebra San Miguel na bahagi lang ng laro ang pagkakaroon niya ng pagtatalo kay Chris Ross San Miguel Beermen.

Ayon kay Devance, hindi matatawag na finals ang isang laro kung walang halong tensyon ito.

Ang naturang pahayag ni Devance ay kaugnay ng Game 2 ng Commissioner’s Cup Finals noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Dagdag pa ni Devance, hindi siya sigurado kung ano ang eksaktong nangyari pero aniya sinisigawan siya ni Ross kaya sinigawan niya rin ito.

Talo ang Gin Kings sa score na 134-109 kontra Beermen kaya nasa 1-1 na ang standing para sa finals series ng laro.

TAGS: Joe Devance, PBA, Joe Devance, PBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.