P296-M na halaga ng mga smuggled vehicles winasak sa Cagayan
Pinanood ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdurog sa P296 Million na halaga ng mga smuggled luxury vehicles at mga motorsiklo sa Port Irene sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan.
Pinadaanan sa mga bulldozer at backhoe ang 69 na mga contraband luxury vehicles na kinabibilangan ng mga sports at muscle cars.
Winasak rin ang P19 Million na halaga ng mga mamahaling motorsiklo kabilang ang ilang piraso ng Harley Davidsons.
Ang mga sinirang sasakyan ay nahuling ipinupuslit sa Port Irene ayon kay Cagayan Economic Zone Authority chief executive officer Raul Lambino.
Sinabi pa ni Lambino na gagawin nilang monument ang mga sinirang sasakyan para magsilbing babala sa mga smugglers na hindi uubra ang kanilang mga iligal na gawain sa CEZA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.