U.P di magbibigay ng palugit sa pagbigay ng UPCAT forms ngayong araw

Wala nang extension ang paghahain ng University of the Philippines College Admission Test o UPCAT forms, para sa mga aplikante mula sa pribadong esweklahan sa Metro Manila.

Batay sa advisory ng U.P. Diliman administration, July 27 talaga ang deadline ng paghahain ng UPCAT forms ng mga estudyante mula sa private schools sa Kalakhang Maynila, subalit pinalawig nila ito ngayong araw, July 30.

Lahat ng mga application na naisumite ngayong araw, pisikal man o sa pamamagitan ng courier na may timestamp ay tatanggapin.

Ang mga aplikante naman na nakapila pa rin ngayong araw, ay i-aaccommodate.

Mayroon namang mga drop box sa Office of Admissions, kung saan maaaring ihulog ang forms.

Samantala, ang mga deadline ng UPCAT forms ng mga estudyante mula sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila ay itinakda sa August 3; habang sa August 10 naman para mga mag-aaral na mula sa regional private and public schools.

Batay sa datos, ang UPCAT applicants ay lumobo sa 167,000 ngayong taon, kumpara sa 103,000 na naitala noong 2017.

Ang pagdami ng mga aplikante ay dahil sa free-tuition policy ng gobyerno.

Agad naman nilinaw ng U.P. na hindi sila nagkulang sa pagpapakalat ng mga tamang impormasyon ukol sa UPCAT.

Read more...