Lagman: House minority dapat lang para sa tunay na oposisyon

By Erwin Aguilon July 30, 2018 - 05:36 PM

Inquirer file photo

Walang nakikitang basehan si Albay Rep. Edcel Lagman sa pagmamatigas ni House Minority Leader Danilo Suarez na manatili sa minorya.

Ayon kay Lagman, sina Suarez mismo ang nagpatalsik sa kanilang sarili sa minority bloc matapos bumoto para maging House Speaker si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Lagman na hindi maaring ipagpilitan ni Suarez na walang dapat magalaw na posisyon dahil ang speaker lamang naman ang idineklarang bakante.

Paliwanag ni Lagman, magkakaroon talaga ng malaking epekto ang pagpapalit ng house speaker sa ibang posisyon sa kamara dahil sa pag-alis ng mga kongresista ng suporta kay dating Speaker Alvarez patungo kay Speaker GMA.

Bukod dito, nagpasya na rin anya ang Supreme Court na sa paghalal sa house speaker natutukoy kung sino ang nasa minorya at mayorya.

TAGS: Arroyo, lagman, minority leader, suarez, Arroyo, lagman, minority leader, suarez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.