Mga bagong opisyal ng Kamara nanumpa kay Arroyo
Nanumpa na kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga bagong talagang opisyal ng Kamara.
Sa naganap na rigodon sa lower house, si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya na ang bagong house majority leader, kapalit ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.
Matinding nakalaban ni Andaya sa nasabing posisyon si Capiz Rep. Fred Castro.
Itinalaga bilang Senior Majority Leader si 1-Sagip Rep. Dante Marcoleta kapalit ni Pampanga Rep. Rimpy Bondoc habang sa Committee on Accounts itinalaga si Leyte Rep. Yedda Romualdez kapalit ni Batangas Rep. Eilene Ermita-Buhain.
Kinilala pa rin ng Kamara si Quezon Rep. Danilo Suarez para manatiling minority leader.
Samantala, si Retired Brig. General Romeo Prestoza naman ang bagong House Sergeant-at-Arms habang si Roberto Maling itinalagang acting Secretary-General ng Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.