Inday Sara at Speaker Arroyo sabay na nag-lunch

By Isa Avendaño-Umali July 30, 2018 - 03:35 PM

HOR photo

Nagsalo sina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Davao City Mayor Sarah Duterte sa isang lunch meeting ngayong araw (July 30).

Ito ay naganap isang linggo makalipas ang kontrobersyal na palitan ng liderato sa Kamara, kung saan nasipa ni Arroyo sa pwesto si dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa naturang lunch meeting na ginawa sa isang hotel sa Quezon City, dumalo rin ang nasa 184 na kongresista na bumoto para sa speakership ni GMA.

Ayon sa House minority leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, ang presidential daughter o si Mayor Sara ang nag-organisa ang luncheon.

Nilinaw naman ni Capiz Rep. Fredenil Castro na naimbitahan lamang si SGMA sa pananghalian, kaya wala dapat maging isyu rito.

Nagpasalamat daw si Arroyo sa lahat ng mga sumuporta sa kanya, kaya nahalal bilang Speaker of the House.

Matatandaang naging usap-usapan na si Mayor Sara umano ang nagtulak sa pagpapalit ng liderato sa Kamara.

Naka-away noon ng babaeng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Alvarez, na isa sa mga sinasabing rason ng rigodon sa Kamara.

TAGS: Arroyo, Sara Duterte, seda, suarez, Arroyo, Sara Duterte, seda, suarez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.