Pangamba ng mga senador sa TRAIN 2 alam ng Malacañang

INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Naniniwala ang Malacañang na election season na kung kaya’t takot ang mga senador na mag-sponsor ng package 2 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law (TRAIN 2).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naiindintihan ng palasyo ang mga senador lalo na ang mga reelectionists sa pangambang hindi na manalo sa susunod na eleksyon.

Katwiran ni Roque, mali ang akala ng mga senador na magpapahirap sa taong bayan ang isinusulong na package 2 ng TRAIN law dahil layunin nitong maibaba ang corporate tax.

Tanging ang Pilipinas aniya ang may mataas na corporate tax kumpara sa mga kapitbahay na bansa sa Asia.

Sinabi pa ng opisyal na walang dapat na ikatakot ang mga senador dahil hindi magiging pahirap sa bayan ang TRAIN 2.

Matatandaang nakalusot na sa kamara ang naturang panukala habang walang senador ang may gustong pumatol dito.

Read more...