U.P dinagsa ng mga gustong maging iskolar ng bayan

By Isa Avendaño-Umali July 30, 2018 - 03:08 PM

Inquirer file photo

Libu-libong aplikante ang dumagsa sa University of the Philippines o UP Diliman ngayong Lunes (July 30), para maghain ng kani-kanilang University of the Philippines College Admission Test o UPCAT forms.

Umaga pa lamang ay napakarami nang mag-aaral ang dumayo sa UP Diliman.

Hindi naiwasan ang siksikan at tulakan ng mga estudyante, dahil nag-uunahan sila upang maka-abot sa deadline.

Nagkataon ding nasabay ito sa enrollment ng mga estudyante ng unibersidad.

Nakakalat naman ang mga tauhan ng UP Police dahil sa pangamba ng stampede.

Ayon sa UP Police, kaninang ala-una ng hapon ay pumalo na sa sampung libong senior high school students na nakapaghain ng UPCAT forms ang nakalabas na ng UP registrar’s office.

Wala pang abiso ang UP administration kung palalawigan ang July 30 deadline para sa paghahain ng UPCAT forms. Pero umaasa ang mga aplikante na ma-eextend ang UPCAT application.

TAGS: diliman, University of the Philippines, upcat, diliman, University of the Philippines, upcat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.