Arestado sa Masbate ang pumatay sa isang pediatrician sa San Mateo, Rizal.
Arestado ang magkapatid na isinasangkot sa pagpaslang sa isang pediatrician sa San Mateo, Rizal.
Nakilala ang mga suspek na sina Brian Garanil, 19 anyos; at 13 anyos na kapatid nito na hindi inilabas ang pangalan dahil menor de edad.
Ang dalawa ay kinupkop ng biktima si Dr. Jesus Comedido, 60 anyos, na natagpuang patay sa isang septic tank sa mismong bahay nito noong October 17.
Ayon kay San Mateo police chief Supt. Ruben Piquero, nahuli ang mga suspek sa pinagsanib na puwersa ng San Mateo at Masbate police.
Nagtatago ang mga suspek sa isang isla sa Barangay McArthur, Monreal, Masbate.
Batay sa imbestigasyon, pinagsasaksak ng magkapatid na Garanil si Comedido matapos pagalitan ang mga suspek dahil nawawala raw ang cellphone at laptop computer ng biktima./ Isa Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.