Matapos bumaba ang satisfaction ratings, cabinet members doble-kayod ayon sa Malakanyang

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 30, 2018 - 12:52 PM

Cabinet meeting noong Apr. 5 | File Photo from SAP Bong Go

Tiniyak ng Malakanyang na magdodoble-kayod ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte para maibigay sa taong bayan ang basic services.

Ito ay matapos lumabas ang resulta ng Social Weather Stations survey na nasa positive 25 na lamang ang net satisfaction ratings ng cabinet members ni Pangulong Duterte noong buwan ng Hunyo, mas mababa ng tatlong puntos sa positive 28 na ratings noong Marso.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinikilala ng cabinet members ang SWS survey at pagsusumikapan na maipaabot sa taong bayan ang mga programa ng pangulo.

Dagdag pa ni Roque, maaring matalakay sa August 6 na cabinet meeting ang naturang survey.

Hindi naman nakagugulat ayon kay Roque dahil halos lahat ng opisyal ng gobyerno ay bumaba ang net satisfcation rating.

Hindi naman matukoy ni Roque kung ano ang dahilan ng pagbaba ng net satisfaction ratings ng cabinet members.

TAGS: cabinet meeting, cabinet members, cabinet meeting, cabinet members

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.