Ayon kay Biazon, matagal nang gumagawa ng terrorist activities ang Abu Sayyaf Group.
Bukod dito, ginagamit na lamang aniya ng grupong katwiran ang kanilang extremist religious ideologies.
Iginiit ni Biazon na base sa kasaysayan, ang ASG ay mga bandido at ginagamit lamang upang pagkakitaan ang kanilang terror tactics.
Pinapurihan naman ng mambabatas ang nais ni Pangulong Duterte na makipag-usap sa ASG sa pamamagitan ng bagong paraan upang malutas ang problema sa ASG.
Gayunman, dapat anya itong ipursige kung ang ASG ay nasa disadvantage position.
Reaksyon ito ng mambabatas kasunod ng pahayag ng pangulo na nais nitong makipag-usap sa ASG para malutas ang problema rito sa pagtungo nya sa Jolo, Sulo noong Biyernes.