Sinseridad sa pakikipag-usap ng ASG sa pamahalaan pinagdududahan ni Rep. Biazon

By Erwin Aguilon July 30, 2018 - 12:39 PM

Nagpahayag ng pagdududa si House Defense Committe Senior Vice Chair Ruffy Biazon sa sinseridad ng Abu Sayyaf Group sa pakikipagnegosasyon sa pamahalaan.

Ayon kay Biazon, matagal nang gumagawa ng terrorist activities ang Abu Sayyaf Group.

Bukod dito, ginagamit na lamang aniya ng grupong katwiran ang kanilang extremist religious ideologies.

Iginiit ni Biazon na base sa kasaysayan, ang ASG ay mga bandido at ginagamit lamang upang pagkakitaan ang kanilang terror tactics.

Pinapurihan naman ng mambabatas ang nais ni Pangulong Duterte na makipag-usap sa ASG sa pamamagitan ng bagong paraan upang malutas ang problema sa ASG.

Gayunman, dapat anya itong ipursige kung ang ASG ay nasa disadvantage position.

Reaksyon ito ng mambabatas kasunod ng pahayag ng pangulo na nais nitong makipag-usap sa ASG para malutas ang problema rito sa pagtungo nya sa Jolo, Sulo noong Biyernes.

TAGS: abu sayyaf group, Ruffy Biazon, abu sayyaf group, Ruffy Biazon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.