Ben Tulfo hindi pa off the hook sa P60M advertisement contract ng DOT – Malakanyang
Tiniyak ng Malakanyang na hindi ligtas sa pananagutan ng batas ang brodkaster na si Ben Tulfo.
Ito ay matapos magpasya si Tulfo na hindi isauli sa gobyerno ang P60 milyon advertisement contract ng Department of Tourism sa Bitag Media Outfit na pag-aari ng brodkaster.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakalulungkot ang naging pahayag ni Tulfo na “mamumuti na lamang ang mata ng gobyerno sa kahihintay” dahil hindi niya isasauli ang naturang pera.
Ayon kay Roque, pinanghawakan kasi ng palasyo ang pangako ng kampo ni Tulfo na isasauli ang pera.
Giit ni Roque mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na nang nagsabi na hayaan na umusad ang legal na proseso para mapanagot si Tulfo.
Ayon pa kay Roque hindi lang si Tulfo ang posibleng maharap sa asunto kundi maging ang kanyang kapatid na si dating Tourism Sec. Wanda Teo.
Una rito kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang pinasok na advertisement contract ni Teo kay Tulfo dahil sa may conflict if interest ito dahil sa magkapatid ang dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.