Mga empleyado ng senado tatanggap ng dagdag na P5,000 monthly allowance

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 30, 2018 - 12:03 PM

Tatanggap ng dagdag na P5,000 kada buwan na grocery at transportation allowance ang mga rank and file na empleyado ng senado.

Inanunsyo ito ni Senate President Tito Sotto III na aniya ay bilang pagkilala sa dedikasyon sa trabaho ng mga manggagawa ng mataasna kapulungan.

Sinabi ni Sotto na nauunawaan ng liderado ng Senado ang epekto ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa kanilang mga empleyado.

Nang tanungin naman kung TRAIN ang dahilan kaya umaaray na sa presyo ng bilihin ang senate employees ay sinabi ni Sotto na matagal na ring inihihirit ng unyon ng mga manggagawa sa senado ang dagdag na allowance at mas malaki pa ang halaga ng kanilang hiling.

Gayunman, nang ito ay pag-aralan ng liderato, P5,000 lamang ang kakayanin na ipagkaloob.

Epektibo ang dagdag na P5,000 na allowance July 1, 2018 kaya mararamdaman na nila ito sa susunod na sweldo.

TAGS: grocery and transportation allowance, senate employees, tito sotto iii, grocery and transportation allowance, senate employees, tito sotto iii

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.