Apat na dating mambabatas mula Makabayan Bloc pinasusuko na ng PNP

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 30, 2018 - 11:31 AM

Hinikayat ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde ang apat na dating mambabatas mula sa Makabayan Bloc na sumuko na lamang matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kanila.

Ayon kay Albayalde inatasan na niya ang buong pwersa ng PNP na isilbi ang warrant of arrest laban kina Bayan Muna party-list congressmen Satur Ocampo, Teddy Casiño, Rafael Mariano, at National Anti-Poverty Commission convenor Liza Maza.

Mas mabuti ayon kay Albayalde na sumuko na lamang ang apat.

Sa ngayon sinabi ni Albayalde na wala pang natatanggap na surrender fillers ang PNP mula sa sinuman sa apat na mga dating mambabatas.

Magugunitang nagpalabas ng warrant of arrest ang korte sa Nueva Ecija laban sa apat sa kasong may kaugnayan sa pagpatay sa ilang katunggali nila sa political party-list noong taong 2006.

TAGS: Liza Maza, PNP chief, Rafael Mariano, satur ocampo, Teddy casino, warrant of arrest, Liza Maza, PNP chief, Rafael Mariano, satur ocampo, Teddy casino, warrant of arrest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.