Kagawad ng barangay sa Cebu nakaligtas sa pananambang; gunman nabaril ng bodyguard ng opisyal

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 30, 2018 - 10:55 AM

CDN Photo

Nakaligtas sa pananambang ang dating kapitan ng barangay at ngayon ay kagawad na si Jessielou Cadungog ng Barangay Tejero sa Cebu City.

Nagawa kasing mapatay ng kaniyang bodyguard ang gunman nang tangkain nitong tambangan ang opisyal sa bahagi ng T. Padilla Extension kanto ng Alviola Street Lunes ng umaga.

Naaresto naman ang isa pang suspek na kinilalang si Michael Banua at ngayon ay nasa kostodiya na ng Cebu City Police Office.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Banua na isang pulis ang kasama niyang gunman pero inaalam pa ng mga otoridad kung ito ay totoo.

Nais naman ni Kagawad Cadungog na imbestigahan ng NBI Central Visayas ang tangkang pagpatay sa kaniya lalo na kung totoong pulis ang suspek at may ranggong PO2.

 

TAGS: ambush, Cebu City, ambush, Cebu City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.