P2P bus mula EDSA hanggang Malolos umarangkada na

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 30, 2018 - 09:32 AM

DOTr Photo

Nagsimula nang bumiyahe ngayong Lunes (July 30) ng umaga ang mga point-to-point premium bus na biyaheng EDSA-North Avenue sa Quezon City patungong Malolos City sa Bulacan.

Alas 5:20 ng umaga nang umalis ang unang biyahe ng P2P bus galing sa Robinson’s Place sa Malolos na patungong terminal sa trinoma.

Labinglima mga bus ang sunud-sunod na bibiyahe sa maghapon na mayroong pagitan na kada 30-minuto.

Hanggang alas 8:00 ng gabi ang biyahe bawat araw.

P80 ang pamasaheo sa P2P bus, pero dahil ngayon ang unang araw ng biyahe ay libre ang sakay sa sa unang bus na umalis.

Inaasahang mas mabilis ang biyahe ng mga P2P bus mula Malolos hanggang Trinoma kaysa regular na mga pampasaherong bus dahil diretso ang biyahe nito at hihinto lang pagdating na sa Trinoma.

TAGS: dotr, Malolos, P2P bus, Radyo Inquirer, tranporation, dotr, Malolos, P2P bus, Radyo Inquirer, tranporation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.