Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002 ang kahaharapin ni PO1 Reygie Coiso, 38 anyos nang maaresto sa ikinasang Anti-Criminality and Law Enforcement Operation sa pangunguna ni Police Chief Inspector Manny Israel.
Hindi naman kasama sa drugs watchlist ang nahuling pulis.
Narekober mula sa suspek ang 1-piraso ng plastic sachet ng shabu, 1-piraso ng improvised aluminum foil tooter, at 1-piraso ng lighter.
Pinapurihan naman ni MPD Director Rolando Anduyan ang mga opisyal ng Raxabago-Tondo Police station na naging instrumento para madakip ang suspek.