Ipinatawag ngayong araw ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction Management Council para magbigay ng briefing sa iniwang pinsala ng mga nakalipas na kalamidad.
Ito ayon sa house speaker ay upang matukoy nila kung anong mga distrito ang lubhang naapektuhan nito.
Bukod dito, kailangan anya ng briefing upang mabatid kung anong tulong ang ibibigay sa mga biktima.
Sa ngayon ayon kay Arroyo, sampung distrito na ang kanilang natukoy kabilang na ang sa lalawigan ng Bataan, Pangasinan, Zambales at Rizal.
Sinabi nito na magbibigay sila ng relief at medical aid bilang panimulang ayuda sa mga ito.
Noong Biyernes, nauna nang namahagi ng tulong si SGMA ng tulong sa kanyang mga ka-distrito sa Pampanga at sa bahagi ng Dinalupihan sa Bataan.