Nakikiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa taong bayan na bigyan muna ng tsansa ang Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ito ay matapos lagdaan ng pangulo noong nakaraang linggo ang BOL.
Ayon sa pangulo, sa halip na batikusin, mas makabubuting bigyan muna ng panahon ang bagong batas.
Dagdag ng pangulo, kakausapin din niya ang mga Tausug maging si MNLF Chairman Nur Misuari at iba pang grupo na hayaaan na munang umusad ang BOL.
Katwiran ng pangulo, hindi giyera ang solusyon sa problema sa Mindanao region.
Kapag sumiklab aniya ang giyera sa Mindanao region, ang mga matatanda, bata at mga babae ang mahihirapan dahil tiyak na magiging orphan lamang sila.
Hindi pa kami nag-usap sa Tausug group, kay Nur, o kahit kanino ang kailangan kausapin ko. Iyong BBL tapos na. Bigyan lang natin ng panahon. Huwag tayong mag-giyera. Kasi kung mag-giyera — wala naman problema mamatay tayo. Mamatay man tayo lahat. Ang problema, ang mahirapan ang mga bata, matanda, pati mga babae. Mag-iwan lang tayo ng maraming orphans. Maglaki ng walang tatay, hirap ang nanay,” ayon sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.