3 patay, 7 sugatan sa insidente ng pamamaril sa isang bar sa New Orleans

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 30, 2018 - 08:22 AM

Patay ang tatlo katao habang pito naman ang naitalang sugatan makaraang pagbabarilin ang mga nasal abas ng isang bar sa New Orleans.

Dalawang suspek ang tinutugis ngayon ng mga pulis na nasa likod ng insidente.

Ayon sa mga otoridad, natanggap nila ang ulat hinggil sa insidente ng pamamaril kung saan dalawang armadong lalaki na kapwa nakasuot ng hooded sweatshirts ang lumapit sa grupo ng mga tao na nasal abas ng establisyimento at saka bigla na lang nagpaputok.

Agad nasawi ang dalawang lalaki at isang babae habang dinala sa ospital ang mga nasugatan na kinabibilangan ng limang lalaki at dalawang babae.

Armado ng rifle at handgun ang dalawa.

Personal na motibo naman ang tinitignang anggulo ng mga pulis.

TAGS: New Orleans, Shooting Incident, New Orleans, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.