Magandang panahon inaasahan sa malaking bahagi ng bansa sa loob ng 2-3 araw
Patuloy na makakaapekto ang Habagat sa ilang bahagi ng bansa partikular sa Mindoro at Northern Palawan.
Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, inaasahan ang maulap na kalangitan na may mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa mga nabanggit na lugar.
Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon kabilang na ang Metro Manila ay magiging mainit at maalinsangan na ang panahon maliban na lamang sa mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Maalisangan din ang panahon sa kabuuan ng Visayas at Mindanao na makararanas lamang ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Mayroong mga cloud clusters na namataan ang PAGASA sa labas ng bansa ngunit wala pang nakikitang posibilidad na magkakaroon ng bagong bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.