Naaresto sa kampanya kontra tambay sa Metro Manila, umabot na sa 78,000

By Rhommel Balasbas July 30, 2018 - 01:15 AM

Umabot na sa mahigit 78,000 ang naaaresto sa pinaigting na kampanya kontra tambay sa Metro Manila.

Ayon kay National Capital Region Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, 78,359 na ang naaresto mula June 13 hanggang Sabado ng umaga.

Gayunman sinabi ni Eleazar na 17 na lang sa mga ito ang nasa mga piitan.

Ayon sa opisyal, karamihan o 35.7 percent sa mga naaresto ay dahil sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Sinundan ito ng mga menor de edad na nahuli dahil sa paglabag sa curfew na umabot sa 26.7 percent ng kabuuang bilang.
Inihayag din ni Eleazar na 45.17 percent ng mga nahuli o higit 35,000 ay nahuli sa hurisdiksyon ng Eastern Police District na binubuo ng Pasig, Marikina, San Juan at Mandaluyong.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya laban sa mga tambay kamakailan.

Ngunit dahil sa mga kritisismong natanggap ay iginiit ng pulisya na sa ngayon ay hindi ito crakdown laban sa mga tambay kundi pagpapatupad lamang ng mga city ordinances.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.