Murder case laban sa mga dating mambabatas inaasahang ibabasura ayon kay Colmenares

Kumpyansa si dating Bayan Muna Representative Atty. Neri Colmenares na ibabasura ang double murder case na nakasampa sa kanyang mga kasama sa Bayan Muna bagaman mayroon nang arrest warrant na inilabas laban sa mga ito.

Dalawang linggo na ang nakakaraan nang maglabas ang provincial court ng Nueva Ecija ng warrant of arrest laban kina dating Bayan Muna partylist representatives Satur Ocampo, Teddy Casiño, Rafael Mariano, at kay National Anti-Poverty Commission convenor Liza Maza.

Batay sa akusasyon, ang apat na mga mambabatas ay sangkot sa pamamaslang sa kanilang kalabang partylist noong 2006.

Aniya ikinagulat ng kanilang partylist nang malaman na buhay pa rin ang naturang kaso dahil isinampa ito sa kasagsagan ng pagsasampa ng mga impeachment complaints laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ani Colmenares, handa silang harapin ang naturang kaso sa korte at naniniwala silang ibabasura lamang ito.

Inireklamo ang mga mambabatas sa Commission on Elections (COMELEC) upang ma-disqualify ang Bayan Muna ngunit ibinasura ito ng ahensya.

Read more...