Kaso ng dengue sa Pangasinan, tumaas ng 99%

By Rhommel Balasbas July 30, 2018 - 04:54 AM

Tumaas ng 99 percent ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa provincial health officials.

Mula January hanggang July 26 ay umabot na ang kaso ng dengue sa probinsya sa 2,589 kung saan siyam na ang nasawi.

Mas mataas ito ng 99 percent kumpara sa 1,303 cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2017.

Nasa dengue watch list ang mga lungsod ng Urdaneta na may 246 cases at dalawang nasawi; San Carlos na may 166 cases at isang nasawi; Alaminos na may 177 cases at Dagupan naman na may 137.

Samantala ang bayan naman ng Bayambang ay may 199 cases; Binmaley na may 133 cases at isang nasawi; Asingan na may 132 cases at isang nasawi; Mangaldan na may 111 cases at isa ring nasawi; Pozorrubio na may 106 cases at isang nasawi habang ang mga bayan ng Lingayen at Binalonan ay may tig-112 at 79 cases ng sakit.

Bukod sa dengue, tumaas din ng 46 percent ang kaso ng leptospirosis sa lalawigan kung saan 67 kaso na ng sakit ang naitatala at 12 na ang namamatay.

Mas mataas ito sa 16 na kasong naitala at apat na nasawi sa kaparehong panahon noong 2017.

TAGS: Health, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.