Pilipinas tumaas ang ranking sa trade logistics index ayon sa World Bank

Labingisang puntos ang inangat ng Pilipinas sa inilabas ng Logistics Performance Index (LPI) ng World Bank.

Mula sa ika-71 pwesto noong 2016 ay nasa ika-60 pwesto na ngayon ang bansa batay sa naturang pag-aaral na sumusukat sa feedback ng mga trade logistics operators sa iba’t ibang mga bansa.

Batay sa naturang report, 2.90 ang LPI score ng Pilipinas, kumpara sa 2.86 score noong 2016.

Sa pamamagitan ng LPI ay matutukoy ang mga challenges at opportunities ng bawat bansa patungkol sa kanilang performance sa trade logistics. Makatutulong din ito upang malaman ng mga bansa kung paano nila mapapaganda pa ang kanilang trade logistics performance.

Kabilang sa mga tinitingnan ng LPI ang kahusayan ng clearance proces, kalidad ng trade and transport-related infrastructure, at kaayusan ng pagsasaayos ng competitively priced shipments.

Bukod pa ito sa competency at kaliadad ng logistics services, kakayahang i-track ang mga consignments, at bilis ng pagdating ng mga shipments sa kanilang destinasyon.

Nanguna sa LPI ang Germany na mayroong 4.20 score. Sinundan naman ito ng Sweden na mayroong 4.05, Belgium na may 4.04, at Austria at Japan na may 4.03.

Kabilang din sa top 10 ang the Netherlands na may LPI score na 4.02, Singapore na may 4.00, Denmark at United Kingdom na may 3.99, at Finland na may 3.97.

Read more...