Konsehal pinagbabaril sa Cagayan, patay!

By Justinne Punsalang July 30, 2018 - 04:29 AM

Dead on the spot ang isang konsehal matapos itong pagbabarilin sa Barangay San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Alfredo Alvarez, 64 na taong gulang at isang konsehal sa bayan ng Rizal, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, pauwi na si Alvarez at minamaneho ang kanyang sasakyan sa Barangay San Gabriel nang bigla umano itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman.

Sa ngayon ay patuloy pa ang pagsisiyasat ng mga otoridad tungkol sa motibo ng pamamasalang, maging ang pagkakakilanlan ng salarin.

Bumuo na rin ng Special Investigating Task Group ang pulisya para sa agarang ikareresolba ng kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.