5 arestado sa dalawang buy bust operation sa Quezon City

By Justinne Punsalang July 30, 2018 - 04:47 AM

Arestado ang lima katao sa ikinasang magkahiwalay na drug buy bust operation ng mga otoridad sa Quezon City.

Unang naaresto sina Josie Dela Ro9sa, 56 na taong gulang; Lemuel Laquindanum, 41 taong gulang; at Leonard Marquez, 35 taong gulang; sa operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 sa Barangay Krus na Ligas.

Narekober mula sa mga ito ang apat na sachet ng shabu na tinatayang mayroong street value na aabot sa P45,000.

Samantala, mag-amain naman ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng QCPD Station 10 sa Barangay Immaculate Concepcion.

Nakilala ang suspek na si Rolando Cortez at kanyang stepdaughter na si Rachel Zamora.

Ayon sa mga otoridad, si Cortez ang pangunahing target ng operasyon ngunit kasama nito si Zamora sa transaksyon at nakuhanan ito ng iligal na droga.

Napag-alaman na kalalaya lamang ni Cortez noong Marso dahil sa kasong may kinalaman sa droga.

Mahaharap ang limang mga drug suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.