54k inilikas dahil sa matinding pagbaha sa Myanmar
Lima katao na ang naitalang nasawi, habang 54,000 naman ang inilikas dahil sa matinding pagbahang naranasan sa Myanmar.
Ayon sa Ministry of Social Welfare official ng naturang bansa, malaking bahagi ng kanilang mga palayan ang nalubog sa baha. Karamihan rin sa mga bahay ang lubog, kung saan ang mga bubong lamang ang makikita.
Ang naturang pag-baha ay dulot ng mabigat na ulang dala ng monsoon sa Mekong region.
Ayon pa sa opisyal, inaasahan nilang tataas pa ang bilang ng mga nasawi.
Nitong mga nakalipas na taon ay nakaranas ang Myanmar ng matinding mga pagbaha.
Taong 2015 nang manguna ang Myanmar sa listahan ng mga bansa na tinamaan ng lubhang mapanirang lagay ng panahon. 100 katao ang naitalang nasawi dahil dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.