Sarangani niyanig ng lindol

Naramdaman ang isang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Kiamba, Sarangani.

Alas-8:37 ng gabi nang maramdaman ang naturang pagyanig.

Sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, 1km lamang ang lalim ng lindol na naitala sa 32km timogkanluran ng Kiamba.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang aftershocks o anumang pagkasira sa mga ari-arian ang lindol.

Read more...