Pangulong Duterte susubukang pag-iisahin ang nahating PDP-Laban

By Chona Yu July 29, 2018 - 07:59 PM

Susubukan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-isahin ang dalawang paksyon ng kanyang Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, ipatatawag ng pangulo sina Senador Koko Pimentel at Atty. Rogelio Galicia para sa isang caucus.

Ayon kay Go, classmate at kilalang supporter ng pangulo si Galicia na nahalal umano bilang bagong PDP president at napatalsik si Pimentel.

Pero ayon kay Pimentel, expelled rogue members o mga napatalsik at pasaway na miyembro ng partido ang nanumpa sa grupo ni Galicia noong Biyernes sa Quezon City.

Ayon kay Go, ipinaabot na niya kina Garcia at Pimentel ang mensahe at nakahanda naman ang dalawa na makipagpulong sa pangulo.

“Kinausap ko po si Atty Vic-vic Garcia at si Senator Pimentel, open naman po sila kung ang Pangulo ang magpapa-isa sa kanilang dalawang grupo. And that’s good news po. Kasi unang-una, ito po ‘yung partido na nagdala sa ating Pangulo sa presidency. So sayang naman po kung papabayaan natin ito, sabi nga ni Pangulo, kakausapin ko yung both parties,”aniya pa.

Nakapanghihinayang ayon kay Go kung magkakawatak-watak ang mga taga-suporta ang pangulo.

Amindo si Go na maging siya ay nagulat nang mahalal na party auditor.

Ayon kay Go, matagal na siyang national auditor ng grupo nina Pimentel at naging auditor din ng grupo nina Galicia.

“Namention ko po ito sa ating Pangulo. Sabi ko may iba-ibang faction pala ito, Mayor. Na-mention ko sa kanya kahapon, hindi ko naman alam na may ganoong faction. So sabi ko, chairman ka sa isang faction, chairman ka rin sa isang faction. Ako, auditor din ng faction, auditor rin sa isang faction. So sabi niya, magpapatawag na lang daw po siya ng caucus at sisikapin niyang mapag-isa ang mga ito,” ani Go.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.