Zero casualty sa Mexico sa pag daan ng hurricane Patricia

October 25, 2015 - 08:42 AM

patricia-3Zero casualty o walang nasawi sa Mexico sa kabila na malakas na pananalasa rito ng hurricane Patricia.

Malaki ang naitulong ng ‘exaggerated’ na warnings sa mga residente, kaya natamo ang zero casualty.

Aabot lamang sa apatnapung pamilya ang nawalan ng bahay makaraang tangayin ng matinding hanging dulot ng hurricane.

Ang mga pamilyang inilikas noong mga nakalipas na araw ay unti-unti nang nakakabalik sa kani-kanilang mga tahanan.

Reklamo naman ng ilang mga biktima ng kalamidad, wala raw tulong na naibibigay ang gobyerno sa kanila.

Ang hurricane Patricia ay ibinaba na sa low pressure area o LPA at magdadala na lamang ng bahagya hanggang sa malakas na pag-ulan sa Mexico./Isa Umali

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.