Japan binayo ng bagyo matapos makaranas ng matinding pagbabaha

By Justinne Punsalang July 29, 2018 - 03:13 PM

AFP

Muling sinalanta ng sakuna ang Tokyo, Japan ilang linggo lamang matapos itong makaranas ng matinding pagbaha at landlides.

Batay sa datos ng Japan Meteorological Agency, may dalang hangin ang bagyong Jongdari na aabot sa 180km bawat oras malapi sa gitna.

Tumama ito sa kalupaan ng Ise sa Mie prefecture kaninang ala-una ng madaling araw.

Sa ngayon ay humina na ang bagyo dahil sa pagtama nito sa kalupaan at mula sa typhoon category ay isa na lamang itong tropical storm. Ngunit nananatiling naka-alerto ang mga lalawigan dahil sa pinsalang maaari pa rin nitong dalhin.

Ayon kay Koji Kunitomi, crisis management official ng Okayama prefecture, sa ngayon ay wala pa silang naitatalang mga pagbaha.

Ngunit libu-libo nang mga residente ang nagsilikas.

Samantala, hindi bababa sa 19 katao ang naitalang nasugatan dahil sa pananalasa ng bagyong Jongdari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.