PDEA kinundena ang pamamaslang sa isa sa kanilang agent

Mariing kinundena ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pamamaslang sa isa sa kanilang ahente sa Cebu City.

Sa isang pahayag ay sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na titiyakin nilang makakamit ang hutisya sa pagkamatay ni Investigation Agent III Earl Rallos.

Aniya isang gawain ng mga duwag ang pamamaslang sa kawani ng PDEA na masigasig na ginagawa ang kanyang trabahong supilin ang kalakaran ng iligal na droga.

Dagdag pa ni Aquino, bagaman pinaslang ang isa sa kanilang mga agents ay ipagpapatuloy ng ahensya ang kanilang laban kontra sa industriya ng iligal na droga.

Pagtitiyak pa nito, para sa mga nagbabalak na saktan ang kanilang mga kawani ay sisiguraduhin nilang ang kapalit nito ay mas maigting pang kampanya kontra droga at hindi sila magpapasindak sa mga kriminal.

Hindi aniya sila titigil hanggang mawakasan na ang problemang panlipunang ito.

Matatandaang Huwebes nang hapon nang pagbabarilin ni Rallos ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Capitol Site, Cebu City.

Read more...